^

Probinsiya

Suspek sa tangkang pagpatay, dinedo

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines  â€”Patay ang isang kilalang tao na “utak” sa tangkang pagpatay sa isang abogado nang barilin ng riding-in-tandem sa Brgy Gabon, Talisay, Camarines Norte  kahapon ng umaga.

Sa ulat, habang lulan ang biktimang si Richard Arana, 45, may asawa at residente ng J. Lukban Ext. Brgy 3, Daet, Camarines Norte  ng kanyang sasakyang Ford Everest nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang dalawang lalaki lulan ng motorsiklo.  Isang tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima.

Una nang napaulat na noong Enero 26, 2014,  isang “hired killer” ang diumano’y umamin sa abogadong si Atty.  Michael Pajarillo ng San Roque St. Brgy 3, Vinzons na kanya sanang pa­patayin.  Nakilala ang sina­sabing hired killer na inupahan diumano ni Richard Arana na si Erick Inchiong, 38, ng Alpine Greenery­ Subd. Brgy Magang-Daet.

Nabatid na personal na pinuntahan ni Inchiong si Atty. Pajarillo upang “magkumpisal” na siya ay binayaran diumano ni Arana ng halagang P30,000 kapalit ng “pagpatay” kay Pajarillo.  Kasabay na isinuko ni Inchiong ang baril na kalibre .45 sa Vinzons Police Station.

Noong Enero 29 nang sampahan ni Atty Pajarillo ng kasong 4 counts ng attempted murder si Richard Arana.  Pinabulaanan naman ni Arana ang nasabing tangkang pagpaslang sa abogado.

ALPINE GREENERY

ARANA

ATTY PAJARILLO

BRGY GABON

BRGY MAGANG-DAET

CAMARINES NORTE

ERICK INCHIONG

RICHARD ARANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with