Science teacher, nag-suicide

BACOLOD CITY, Philippines - - Pinaniniwalaang problemado sa  sakit na di-gumagaling ang 34-anyos na  guro kaya nagdesisyon itong mag-suicide matapos laslasin nito ang dalawang pulso sa kamay noong Martes sa nasabing lungsod.

Kinilala ang nagpakamatay na si Alster Roxas, Science teacher sa Jack & Jill School sa Barangay Taculing sa nabanggit na lungsod.

Ang duguang katawan ng biktima ay natagpuan ng kanyang mga magulang sa kuwarto, ayon kay P/Senior Insp. Benedicto Villarias, hepe ng PNP Station 4.

Sa ulat ni P/Supt. Jefferson Descallar, deputy director for operations ng Bacolod City PNP, naniniwala ang pulisya na nag-suicde ang biktima kung saan narekober ang suicide note.

Idinagdag ni Descallar na si Roxas ay dumaranas ng sakit kaya desperado ito sa buhay.

Tumanggi naman isapubliko ng pulisya ang natuklasang sakit ng biktima.

Noong nakalipas na buwan, isa ring guro sa bayan ng Pontevedra, Negros Occidental ang nag-suicide matapos itong magbaril sa ulo. Pinaniniwalaang problemado ang nasabing guro sa relasyon nila ng nobya. Freeman News Service

Show comments