74-anyos lolo, nag-suicide

BULACAN, Philippines - – Pinaniniwalaang desperado sa sakit sa katawan ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan  ang 74-anyos na lolo matapos itong magbigti sa poste kamakalawa ng gabi sa Barangay Bambang, bayan ng Bocaue, Bulacan. Bandang alas-6 ng gabi nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Roberto Ramos ng St. Martin Homes Subdivision sa nasabing barangay. Sa pahayag ng asawang si Teresita Ramos kay PO3 Kim Salvatierra, inirereklamo ng biktima ang karamdaman na matagal na nitong iniinda kung saan tumanggi naman ang pamilya na isailalim sa autopsy ang bangkay ng matanda.

Show comments