Negosyante dedo sa ambush

NUEVA ECIJA, Philippines - – Napatay ang 44-anyos na negosyanteng misis habang sugatan naman ang anak nito makaraang pagbabarilin ng isang lalaki sa kahabaan ng NIA Irrigation Service Road sa Barangay Luna, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Cecilia Pagaduan y Hizon habang naisugod naman sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang anak nitong si Juan Carlos Pagaduan y Hizon, 17, kapwa nakatira sa Barangay Tagumpay, San Leonardo, Nueva Ecija. Samantala, nasakote naman ang suspek na si Junel “Jomar Gomez/Une” Inocerta,18, ng Barangay Luna sa nasabing bayan. Lumilitaw na papauwi na ang mag-inang lulan ng motorsiklo nang harangin at ratratin ng suspek pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa suspek ang motorsiklo ng mag-ina at homemade shotgun na ginamit sa krimen.

Show comments