MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naburyong ang 27-anyos na lalaki matapos itong tumaÂlon mula sa sinasakyang barko na naglalayag sa kaÂragatan ng Romblon kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa pagitan ng Carabao Island ng mainland ng Romblon.
Kinilala ang nasabing pasahero na si Adonis Rocio ng Quezon City na kabilang sa mga pasahero ng Roro vessel na Starlite Atlantic na patungo sa CaticÂlan, Malay, Aklan.
Nabatid na ang biktima ay namataang nakatulala at nakatingin sa malayo habang nasa tabi ng baranÂdilya ng barko.
Laking gulat naman ng mga pasahero matapos na biglang tumalon ang biktima na halos may dalawang oras ding hinanap ng mga tripulante ng barko pero nabigong matagpuan.
Patuloy naman ang search operations ng pangÂkat ng Philippine Coast Guard.