2 todas sa road mishap

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang iniulat namatay sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa mga lungsod ng Bacoor at Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Sumalpok ang motorsiklo ni Daryl Villoso sa sinusundang van (NGC 225) ni Joseph Dela Cruz kung saan may hinihilang isa pang van na minamaneho naman ni Wenifredo Tumbagahan Jr. sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City. Samantala, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Chester Bayla, 26, ng Alabang, Muntinlupa City makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa punungkahoy pagsapit sa kurbadang bahagi ng Daanghari Road sa Bacoor City, Cavite.

Show comments