14-anyos ni-rape slay ng adik

CAMARINES NORTE, Philippines - – Brutal na pamamaslang ang sinapit ng 14-anyos na mag-aaral matapos itong halayin ng di-kilalang adik sa bawal na droga ay binasag pa ang bao ng ulo sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Osmeña, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte noong Biyernes (Enero 24). Sa naantalang ulat ng pulisya mula sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., kinilala ang biktima na si Kristine Joy Bautista, Grade 6 pupil sa Osmeña Elementary School at nakatira sa Sitio Pitisan, Purok 3 ng nasabing barangay. Huling namataang buhay ang biktima na naglalakad mag-isa sa kahabaan ng Toronto Road malapit sa Gawad Kalinga Village. Ayon kay P/Chief Insp. Cresenciano Cordero Jr., hepe ng CIDG-Camarines Norte, narekober sa crime scene ang duguang kahoy, mga gamit sa iskul ng biktima at masking tape na ginamit sa bibig ng biktima.

Show comments