Shootout: Holdaper kritikal

BULACAN , Philippines   â€“ Nakikipaglaban kay kamatayan ang 25-anyos na holdaper matapos itong masapol sa pakikipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Turo, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon. Sumailalim sa operasyon sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang suspek na si Joner Moralde ng Blumentritt, Manila habang tinutugis pa ang kasabwat nito na sakay ng motorsiklo.  Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, bago maganap ang shootout ay  hinoldap ni Moralde at kasama nito ang pasaherong si Ma. Carla Llanatos sa pampasaherong jepney na patungong Sta. Maria. Nagawang makahingi ng saklolo si Llanatos sa nagpapatrolyang pulis kung saan nagkahabulan hanggang sa maganap ang shootout pagsapit sa NLEx exit sa nasabing barangay.

 

Show comments