Mag-asawang tulak arestado

BULACAN, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawa matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mag-asawang Efren Moyo Jr., 27; at Mary Maurine Del Castillo, 26, kapwa nakatira sa Brgy. San Juan sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Voltaire Rivera, nasamsam sa mag-asawa ang 7-plastic sachet ng shabu, weighing scale, gunting, improvised waterpipe, ilang drug paraphernalias, at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.

 

Show comments