^

Probinsiya

Misis, 2 anak minasaker ng mister saka nag-suicide Nalugi sa negosyo…

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na pagkalugi sa negos­yo, minasaker ng 36-anyos na negosyanteng Tsinoy ang dalawa nitong anak na bata at misis matapos na pagbabarilin sa ulo bago nag-suicide ito sa loob ng sinunog nitong sasakyan sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Jomar Micolob, desk officer on duty ng Tagbilaran City PNP ang mag-iina na sina Cindy Co, 36; James Martin Co, 10; at si James Andrei, 5.

Ang mag-iina ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal .9mm pistol sa ulo habang nag-suicide rin ang mister na si James Co na nalugi sa lending business nito.

Nabatid na nagbaril sa ulo ang mister sa loob ng nasusunog na sasakyan na kinalalagyan ng minasaker nitong misis at 2 anak.

Sa imbestigasyon, naganap ang malagim na krimen sa Barangay Dampas, Tagbilaran City dakong alas-11 ng umaga.

Sa salaysay ng ilang residente na nakasaksi sa pangyayari, pinagbabaril ng desperadong mister ang kaniyang pamilya sa loob ng kanilang sasakyan.

Hindi pa nakuntento ay binuhusan ng gasolina ng nasabing mister ang sasakyan saka sinilaban ito na habang nasusunog ay pumasok ito sa loob ng sasakyan saka nagbaril din sa sarili.

Ang bangkay ng apat na miyembro na pamilya ay natusta nang marekober ng awtoridad habang nakuha rin ang suicide note ng nasabing mister sa loob ng kanilang bahay bago isinagawa ang krimen.

 

vuukle comment

BARANGAY DAMPAS

BOHOL

CINDY CO

DAHIL

JAMES ANDREI

JAMES CO

JAMES MARTIN CO

JOMAR MICOLOB

TAGBILARAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with