LAGUNA , Philippines – Umaabot sa 30,000 senior citizens sa Laguna ang nabiyayaan ng Eye Care Program o Balik Paningin Program ng Anak ng Laguna, Inc. ni Soy Mercado na isang pilantropo at negosyante.
Bukod sa 30,000 senior citizens ang nabigyan ng libÂreng konsultasyon at operasÂyon sa mata ay nabiyayaan din ng libreng operasyon ang 1,000 maralitang residente.
“Aabot sa mahigit 250,000 senior citizens ng Laguna ang target na serbisyuhan ng ECP sa pamamagitan ng ANLI sa loob ng susunod na limang taon mula ngayon at ito ay pawang libreng serbisÂyo,†ayon pa kay Mercado.
Ayon kay Mercado, ang ECP program ay kanyang inilunsad bilang makahulugang pagkilala sa tunay na pangarap ni Dr. Jose Rizal na isang ophthalmologist, makabayan, at mapagmahal sa kapwa.
“Naniniwala ako na karaÂpat-dapat lang ipagpatuloy ang pangarap ng ating pambansang bayani na makatulong sa pagpagamot ng mga mata ng libre sa Laguna at kalapit na lugar ng walang kapalit,†dagdag pa ni Mercado.
Ang ECP ng ANLI ay may makabagong kagamitan sa pagsusuri na ginaganap sa mga pribadong klinika sa kanilang tahanan sa Cataquiz Homes 1, Barangay Tagapo, Sta. Rosa City; Mabuhay Commercial Center, Mamatid, Cabuyao City, Laguna; Brgy. Halang, Calamba City, Laguna at sa St. Jasper Medical Hospital, bayan ng Pakil, Laguna.