MANILA, Philippines – Nailigtas ang anim-taong-gulang na bata mula sa kamay ng kidnap-for-ransom group sa probinsiya ng Cavite, ayon sa mga pulis ngayong Lunes.
Sinabi ni Deputy Director General Felipe Rojas Jr., Philippine National Police-Deputy Chief for Administration na nailigtas ang bata nitong Enero 23 matapos ang 14-araw na pagkakadukot.
Limang katao ang nadakip nang iligtas ng mga awtoridad ang bata sa Barangay Dalivan, Carmona, Cavite, dagdag ni Rojas.
Nakilala ang mga suspek na sina Noel Obing Raymundo at Noel Talledo na nasakote sa operasyon ng mga pulis, habang sa follow up operation naman nadakip sina Fernan Maala, Elias de Leon, at Efren Marcina.
Sinabi ni Rojas na sila rin ang nasa likod ng pandurukot ng isang menor de edad sa Tanay, Rizal noong Nobyembre 2013.