2 tulak ng droga tiklo sa Laguna

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa sting operation ng mga awtoridad sa probinsiya ng Laguna, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Leano, 37, ng Umboy, Sta. Cruz, Laguna; at Iluminado Broas, 38, ng Block 19, Phase 3 Lynville Subdivision, Barangay Calio, Sta. Cruz, Laguna.

Nadakip sa buy-bust operation sina Leano at Broas nitong Enero 17 bandang alas-3 madaling araw sa Barangay Labuin, Pila, Laguna.

Nabawi mula sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu matapos pagbentahan ang mga undercover agent ng PDEA Regional Office 4A.

Show comments