Kawani ng housing company, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Niratrat at napatay ng riding-in-tandem ang 34-anyos na kawani ng Camella Homes Real Estate Housing and Development sa panibagong karahasang naganap  sa mataong lugar sa Junction Libag Norte sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Jay Cumigad, ang biktima na si Paul Ernesto Abellanosa III ng Barangay Ugac Sur. Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang service van ng nasabing kompanya kasama si Randy Guillermo nang harangin at ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na insidente.

 

Show comments