Shootout: 2 holdaper utas

CAMARINES NORTE , Philippines   â€“ Dalawa sa limang holdaper ang napatay matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Barangay Tugos, bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang dalawang napatay na sina Paul Hencio Laguerta, 37, ng Barangay Tugos; at Roger Aguilar ng Brgy. Tabas. Sa ulat ni P/ Chief Insp. Rommel Labarro, lumilitaw na tinangkang holdapin ng limang armadong lalaki ang 3M Gold Processing Plant na pag-aari ni Pastor Oco ng Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Paracale. Dito na rumesponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan sumiklab ang putukan at napatay ang dalawang holdaper habang nakatakas naman ang tatlo. Narekober ang dalawang baril habang pinaghahanap naman ang tatlong kasabwat.

Show comments