Baby swak sa tubig-baha

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang sanggol na babae matapos itong mahulog sa hagdanan ng kanilang bahay ay minalas pang anurin ng tubig-baha sa Barangay Caimpugan, bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Ana Marie “Baby An An” Noble, isang taon at siyam na buwang gulang na narekober ang bangkay ilang oras matapos ang insidente. Sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba na nakarating sa Camp Crame, naghahanda ng pagkain ang ina ng sanggol na iniwan nitong natutulog katabi ang kaniyang asawa na si Angelito Noble, 38. Gayon pa man, nagising ang sanggol at gumapang patungo sa hagdan kung saan tuluy-tuloy na bumagsak sa tubig-baha.

Show comments