^

Probinsiya

Mag-ina nilamon ng apoy

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng 66-anyos na nanay at  anak nitong  special child na babae matapos makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Imelda Village, Barangay Brookside, Baguio City noong Miyerkules ng  hapon.

Ang mag-inang Rafaela Racquel Lutgarda  Sabado, at Sharon Fatima Sabado, 33, ay natagpuan ng mga bumbero na magkayakap sa palikuran ng kanilang bahay sa Roxas Street, Purok 1 sa nasabing barangay.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Baguio City, nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-3 ng hapon matapos tumumba ang kandila habang ang mag-ina ay namamahinga  sa loob ng kanilang bahay.

Isa sa kapitbahay na si Roberto Bakisan ang naka­rinig na humihingi ng saklolo ang mag-ina kaya tinungo niya ito para tulungan subalit naka-lock ang pintuan at may luma­labas na makapal na usok mula sa bahay ng pa­milya Sabado.

Rumesponde naman ang mga bumbero at naa­pula ang sunog bandang alas-4 ng hapon.

Napag-alamang iniwan ni Orlando Sabado, 65, ang kanyang mag-ina upang ayusin ang ilang gamit sa bagong bahay na lilipatan nila  at  hapon na ng itawag sa kaniya ng ilang kapitbahay na nasusunog ang kanilang bahay.

Nadamay  sa sunog ang bahagi ng bahay na pag-aari ni Annie Fermin

Ayon sa mga bumbero ang kandilang natumba ang isa sa sanhi ng sunog matapos na maputulan ng kuryente ang bahay ng pamilya Sabado.

Inaalam pa ni SFO2 Arsenio Kido Palangdosan ang halaga ng ari-arian tinupok ng apoy.

ANNIE FERMIN

ARSENIO KIDO PALANGDOSAN

BAGUIO CITY

BAHAY

BARANGAY BROOKSIDE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

IMELDA VILLAGE

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with