^

Probinsiya

Life imprisonment sa 2 marijuana dealer ng Benguet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  â€“ Himas rehas habambuhay ang dalawang marijuana dealer matapos desisyunan ng korte nitong kamakalawa ang kanilang kaso.

Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad ni Judge Francis Buliyat Jr. ng First Judicial Region’s Regional Trial Court branch 9 sa La Trinidad, Benguet sina Warton Fred at kasama niyang nakilala lamang sa pangalang “Matthew” ng tig-kalahating milyong piso.

Hinatulang guilty ni Buliyat ang dalawang tulak ng droga matapos makumpiskahan ng 17.60 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P440,000 apat na taon na ang nakararaan.

Pitong bloke ng marijuana ang bitbit ni Fred noong masakote, habang ang iba ay na kay Matthew na menor-de-edad pa lamang naang madakip.

Napag-alamanan din ng PDEA na kapatid ni Fred ang isang miyembro ng “Vegetable drug group” na si Pinrad Fred.

Ang Vegetable drug group ang nasa likod ng pagtutulak ng marijuana sa Benguet, Pangasinan, La Union, Tarlac, Bulacan, Pampanga at Metro Manila.

Nadakip ang nakatatandang Fred sa isang entrapment operation sa Rizal Park sa Baguio City kung saan nabawian siya ng 10 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P250,000.

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang nakatatandang Fred noong Enero 26, 2010 at pinagbabayad ng P5 milyon.

ANG VEGETABLE

BAGUIO CITY

BENGUET

FIRST JUDICIAL REGION

JUDGE FRANCIS BULIYAT

LA TRINIDAD

LA UNION

METRO MANILA

PINRAD FRED

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with