MANILA, Philippines - Nilamon naman nang buhay ang anim-katao habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na landslides sa Barangay Poblacion, bayan ng CagdiaÂnao, Dinagat Islands noong Lunes.
Sa pahayag ni Jane MaÂyola, spokesperson ng Dinagat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ang bangkay ng mga biktima ay narekober ng search and rescue team noong Lunes ng hapon.
Bandang alas-6:30 ng umaga nang gumuho ang malambot na lupa mula sa kabundukan na tumabon sa bahay ng pamilya Geltura.
Kabilang sa mga namatay ay sina Atanacio Geltura, 62; Realyn Geltura, 42; Michelle Geltura,14; Felixberto Muñoz, 34; Alqueser Muñoz, 2; at ang DPWH employee na si Primitivo Morales, 33, na nagkataong nagsasagawa ng de-clogging sa baradong kanal sa nasabing lugar.
Sugatan naman sina Renz Anthony Geltura, 6; at Jose Cabilan, 33.
Nabatid na lima sa anim na landslides ay hindi gaano ang pinsala kabilang ang dalawang insidente sa bayan ng Basilisa kung saan bagaman wala namang namatay at nasugatan ay daang pamilya ang inilikas.
Nasa 2,245-katao ang kabuuang inilikas bunga ng masamang panahon sa Dinagat Islands.