MANILA, Philippines - Tatlong pulis ang nasugatan sa naganap na misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Brgy. Police AuxiÂliary Force (BPAF) na napagkamalang mga bandidong Abu Sayyaf sa Luuk, Sulu kahapon ng umaga.
Sa phone interview, sinabi ni 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre, bandang alas-10:20 ng umaga ng maganap ang misencounter.
Ayon kay Cenabre, kasalukuyang bumabagtas sa bahagi ng Tanduh Bato Wharf sa bayan ng Luuk ang convoy ni Sulu Acting Provincial Police Office (PPO) Director Supt Abraham Orbita at Chief Inspector Randall Lyon Bueno, Company Commander ng Provincial Police Security Company ng makasagupa ang mga tauhan ng BPAF sa lugar.
Sinabi ni Cenabre na napagkamalan ng mga elemento ng pulisya na mga bandidong Abu Sayyaf ang nasabing puwersa ng BPAF ng makita ang armadong presensya sa lugar na nauwi sa 45 minutong barilan na ikinasugat ng tatlong pulis.
Ayon pa sa opisyal, dalawang tauhan rin ng BPAF ang napaulat na nasawi bagaman kasalukuyan pa itong kinukumpirma.Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa naganap na misencounter.