Tulak, laglag sa drug bust

Cavite, Philippines — Bumagsak sa mga operatiba ng Silang Police ang isang hinihina­lang bigtime drug pusher sa isinagawang drug bust operation  sa Brgy Yakal, Silang ng lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Michael Vincent Laihee, 28 anyos binata walang trabaho  at residente ng Brgy Yakal ng bayang nabanggit.

Sa imbestigasyon ni Po­lice Insp. Romulo Dela Rea, Intel Operative ng Si­lang Police, alas-8:30 ng gabi ng magsagawa sila ng isang drug bust laban sa suspek, ito ay matapos makatanggap ng sunud- sunod na sumbong mula sa ilang concern citizen ang di umanoy talamak na pagbebenta ng shabu ng suspek sa kanilang barangay.

Nasamsam mula sa sus­pek ang ilang sachet ng sha-bu at mga drug parapher-nalia.

 

Show comments