Desperadong binata, nagbigti

CAVITE , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang matinding depresyon dahil sa kawalan ng trabaho ang isa sa motibo kaya nagpasalubong kay kamatayan ang 27-anyos na binata matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Barangay Baliwag, bayan ng Magallanes, Cavite kahapon ng umaga. Ayon kay P03 Arcadio Mendoza, bandang alas-8:45 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Edwin Cabingan. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagkuwentuhan sa kanyang pinsan kung saan nabanggit nito na nagsasawa na ito sa buhay dahil sa kawalan ng trabaho.

Show comments