Sanggol nasunog

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalaga­yan ang 8-buwang gulang na sanggol matapos masunog ang kanilang tahanan sa Barangay San Isidro, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mariane Bungcag na naisugod sa Kitcharao District Hospital pero kaagad na inilipat sa Caraga District Hospital dahil sa  tinamong 2nd degree burn sa kaniyang katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame naganap ang insidente  sa bahay ni Jenalyn Bungcag, 35, ina ng sanggol.

Nabatid na pansamantalang iniwan ang sanggol na natutulog kung saan nagtungo ang ina sa kanilang kapitbahay.

Gayon pa man, natumba ang kandila sa loob ng bahay na  pinagmulan ng apoy  kung saan mabilis na kumalat sa kabahayan na gawa lamang sa mahinang uri ng materyales.

Nang magsisigaw ang kanilang kapitbahay na nasusunog ang tahanan  ng ina ay nagtatakbo ito dahil nasa loob ng kanilang silid ang sanggol.

Show comments