Mag-asawang tulak, kalaboso

BULACAN, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang mag-asawa matapos na maaktuhan ang mga ito na nagre-repack ng shabu sa loob ng kanilang tahanan sa  Brgy. Burol 1st, Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong kriminal ang mga suspek na sina Hector Fuentes, 42 at Janel Vergara, 25 kapwa residente ng Saint Lawrence St., Brgy. Burol 1st sa naturang bayan.

Base sa ulat ni P/CInsp. Alfonso Cruz dakong alas 9:40 ng umaga ay nakatanggap siya ng impormasyon hinggil sa  pagre-repack ng mag-asawa ng shabu sa loob ng kanilang tahanan .

Narekober naman ni PO1 Jose Crisanto Dar ng lokal ng Drug Enforcement Unit ang tatlong sachet ng shabu, mga drug paraphernalias kabilang ang isang digital weighing scale, isang motorsiklong Kawasaki at isang hopper na hinihinalang ginagamit sa pagbibiyahe ng bawal na epektos.

 

Show comments