Bangkay ng dalagita, lumutang sa dam

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang bangkay ng 15-an-yos na dalagita na wala umanong saplot ang natagpu- ang lumulutang sa isang dam sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Shaina Mae Asuncion, 4th year student at residente ng San Pablo sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na  bago umano nakita ang bangkay ng biktima sa dam ng Brgy. Bingao ay nagpaalam umano ito ng maayos sa kanyang mga magulang na dadalaw sa kanyang kaklase subalit hindi na umano nakauwi nitong Enero 2 ng gabi.

Hindi na rin umano matawagan ang kanyang cell phone number kung kaya’t  ipinagbigay alam ito sa mga awtoridad para hanapin ang biktima.

Nakita rin sa lugar ang mga nagkalat na kagamitan ng biktima tulad ng kanyang damit, cell phone at tsinelas sa nasasakupan ng dam. Isinasailalim pa sa masusing im-bestigasyon ang kaso.

Show comments