AFP vs BIFF: 9 patay, 2 sugatan
NORTH COTABATO, Philippines - – Tinatayang aabot sa siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay habang dalawang sundalo naman ng Phil. Army ang nasugatan sa muling pagsiklab ng bakbakan sa dalawang bayan sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao kamakalawa.
Sa phone interview, sinabi ni Captain Anthony Bulao, civil military operations officer ng Army’s 602nd Infantry Brigade, bandang alas-7:30 ng umaga noong Enero 1 nang makasagupa ng mga sundalo ang pangkat ng BIFF sa bahagi ng Paidu Pulangui River sa Barangay Pulangui sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.
Nabatid na dalawang BIFF ang iniulat na napatay habang sugatan naman si Pfc Espartero ng Special Forces ng Philippine Army.
Nasundan ang bakbakan noong Enero 2 sa Barangay Kolambog sa bayan ng Paidy Pulangi may ilang kilometro lamang ang layo sa itinatayong proyekto ng Malitubog-Marigagao ng National Irrigation Administration ng pamahalaan kung saan pitong rebeldeng BIFF naman ang napatay.
“Based on the account of our civilian assets, 9 BIFF rebs were buried by their comrades in the area, “ pahayag ni Bulao.
“We were forced to use artillery fires because of their growing numbers. There may be members of other armed groups who are joining them, they want to sabotage the P6 billion Malmar project in the area, that’s why our troops were deployed to provide security,†ayon pa sa opisyal.
Inihayag pa ni Bulao na nasangkot din ang BIFF sa pangha-harass sa mga detachment ng Philippine Army sa North Cotabato kung saan ay extortion ang pangunahing motibo sa pangasiwaan ng irrigation project.
Itinanggi rin ni BIFF spokeperson Abu Misri Mama na extortion ang kanilang pakay, bagkus ang kagustuhan nilang mahati ang Mindanao at magkaroon ng sariling otonomiya ang patuloy nilang ipaglalaban.
- Latest