LEGAZPI CITY, Philippines - Puspusang pinupursigi na ngayon ng Albay ang “development thrust†nito at ikakambiyo na sa “explosive Albay Boom mode†ang umiiral nitong batÂÂtÂlecry na ‘Albay RisingÂ.’ Suportado ang kilos at layuning ito ng P2.243 bilyon para sa mahahaÂlagang imprastraktura para sa kumprehensibong touÂÂrism program ng lalawigan.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, target ng lalawigan ang tunay na “Tourism Boom; Arts, History and Culture ReÂnaiÂssance; productive agriÂculture, infrastructure moÂdernization; single digit malnutrition, 2014 Palarong Bicol championship, expandad Almasor Tourism Alliance†at pumasok sa Top 20 ng National Achievement Test ngayong taon at Top 10 sa 2016.
Inaasahan ni Salceda ang biglang paglago ng turismo ng lalawigan mula sa malaking bilang ng Chinese tourists na magsisimula ngayong buwan sa pagbubukas ng Albay International Gateway tuÂngo sa nakatalagang Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) in 2016 na ang tatlong miÂnisterial meetings nito ay gaganapin sa Albay.
Gagamiting InternaÂtional Gateway ang pinaÂunlad na Legazpi Airport kung saan ipatutupad din ang pinagkasuduan nang CIQS (customs, immigration, quarantine health, quarantine agriculture and security) program.
Ang paunang 2014 target, ayon sa kanya, ay ang unang grupo ng mga Chinese tourists mula sa Xiamen na darating sa katapusan ngayong buwan sakay ng chartered flights na lalapag sa Albay International Gateway bilang pagbubukas sa 50,000 market ngayon taon, 80,000 sa 2015, 110,000 sa 2016 at 150,000 sa 2017.