Amok: 3 katao bulagta

MAGUINDANAO , Philippines   - Maagang sinalubong  ni kamatayan ang dalawang pamangkin ni Datu Monta­wal Vice Mayor Annie Montawal matapos na mabaril ng sekyu ng ex-ABC president kung saan napatay naman ito sa naganap amok sa Barangay Tunggol, bayan ng Montawal, Maguindanao kahapon.

Kinilala ang mga na­patay na sina Nasser Alba at Andala Makalao, kapwa nakatira sa bayan ng Bagoenged, Maguindanao.                     

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, niratrat ni Rahib Ali si dating ABC President ng Pagalungan na si Mokamad Andoy.

Subalit nakailag ito at ang tinamaan at napatay ay ang dalawang pamangkin ng bise alkalde.

Gayon pa man, nakatakas si Ali patungo sa Sitio Landang subalit nasukol at binaril ito ng mga civilian Volunteer Organization ni Barangay Chairman Jimmy Montawal.

Pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot si Ali na sinasabing close-aide security ni Andoy.

Show comments