15-anyos binoga sa mukha

CAVITE, Philippines - – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 15-anyos na totoy matapos itong barilin sa mukha ng di-kilalang lalaki na sinasabing napagtripan sa harap ng simbahan kahapon ng umaga sa Congressional Road, Brgy Sta. Lucia sa Dasmariñas City, Cavite. Ang biktima na sinasabing dayuhan sa nasabing barangay ay kinilala lamang sa pangalang Echo habang natukoy naman sa alyas Dan Dan ang nakabaril. Sa imbestigasyon ni P01 Eileen Cruto, nakatayo ang biktima sa harap ng simbahan nang lapitan at barilin bandang alas-6 ng umaga.

Show comments