Indian trader itinumba

MANILA, Philippines - Luksa ang pagsalubong sa Kapaskuhan ng pamilya ng 38-anyos na negosyanteng Bumbay matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins kamakalawa sa bayan ng Sison, Surigao del Norte. Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang biktima na si Jugrai Singh na may negosyong 5/6  at nakatira sa Capitol Road, Barangay Washington, Surigao City. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kabababa lamang ng biktima sa motorsiklo para maningil ng mga pautang sa harap ng tindahan nang lapitan at ratratin bandang alas-9 ng umaga. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments