Misis kinatay ng selosong mister

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€” Matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 26-anyos na misis ng kanyang selosong mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Nagalisan, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Maciste Extor Serrano, hepe ng Bagabag PNP ang biktima na si Julie Albano samatala sumuko naman sa opisyal ng barangay ang suspek na si Richard Albano, 30, magsasaka, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na umuwing lango sa alak ang suspek kung saan kinompronta nito ang kanyang misis kaugnay sa sinasabing kumakalat na tsismis na may ibang lalaki ang biktima. Napikon ang suspek sa tinuran ng biktima hanggang sa maganap ang pananaga gamit ang matalim na karit ng palay.

Show comments