MANILA, Philippines - Limang araw matapos ang sakuna na dalawa ang namatay at 32 ang naÂsugatan, isa na namang road mishap ang naganap kung saan tatlo ang sinalubong ni kamatayan habang 37 iba pa ang sugatan matapos mahulog ang cargo truck sa malalim na bangin sa bahagi ng Brgy. Ilihan, bayan ng Tabogon, Cebu kamaÂkalawa.
Kinilala ang mga naÂmatay na sina Juvelyn PuebÂla, 20; Leonard Ybañez ng Caduawan, Tabogon; at si Warren Cañas, 13.
Samantala, sugatan naman sina Maylord OmoÂnares, Marsing Binabay, Bellano Tul-id, Enda Ybañez, Merlinda Masong, Jeslie Tul-id, Teresa TuÂling, Jonel Tul-id, Eugene Sumayang, Leo Amigable, Jason Cogal, Julie Ann Puebla, Maria Billy Puebla, Irene Monesit, Rudy Monisit, Michelle Sumayang, Kayan Tuling, Gingging Amigable, Gilbert Cogal, Benjie Tul-id, Ruth Albuno, Perla Abayon, Danica Abayon, Juven Puebla, Jhares Ybañez, Violeta Ornopia, Edgardo Escaña, Ailene Motalbo, Loreta Manalic, at ang pitong menor-de-edad.
Ayon kay PO3 Epifanio Comedido, ang mga biktima na pawang survivor noong manalasa ang bagyong Yolanda noong Nob. 8 ay mga manggagawa sa plantasyon ng tubo sa Bogo City.
Sa pagsisiyasat ng puÂlisya, lumilitaw na patuÂngong bayan ng Tabogon ang cargo truck na minamaneho ni Juvy Pedrano para sunduin ang mga biktima nang masagi ng trak ni Norman Monteron na nag-overtake pagsapit sa pataas na kalsada sa Sitio San Antonio.
Nawalan ng kontrol sa manibela si Pedrano.
Gayon pa man, nagtuluy-tuloy sa may 15 metrong lalim na bangin ang trak ni Pedrano kung saan naipit ang tatlong biktima.
Nabatid na nag-overtake ang trak ni Monteron sa sasakyan ni Pedrano nang makasalubong ang motorsiklo kaya muling bumalik sa kanyang linya subalit nasagi ang unahang bahagi ng trak ng mga biktima.
Sina Pedrano at MonÂteron nakaligtas naman sa sakuna habang patuloy ang imbestigasyon.