Mag-asawang tulak, kalaboso

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - – Sa kulungan magdiriwang ng kapaskuhan ang isang mag-asawang hinihinalang notoryus na tulak ng droga matapos masakote ng mga awtoridad sa bayan ng Maria Aurora, Aurora kamakalawa. Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Fe Mercadejas at Alex Mercadejas, kilalang mga negosyante at kapwa residente ng Brgy. II  sa nabanggit na bayan.

Armado ng search warrant na ipinalabas ni Judge Maximo Ancheta ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Maria Aurora PNP at Aurora Provincial Public Safety Company (Special Weapons and Tactics) SWAT Team ang tahanan ng mag-asawang suspek sa lugar.

Nasamsam mula sa mga ito ang siyam na sachet ng pinaghi­hinalaang shabu at iba’t iba pang drug paraphernalias mula sa mga ito. Inihahanda na ang kasong kriminal sa mga suspek.

Show comments