Obrero nangisay sa bumagsak na scaffolding

NUEVA ECIJA, Philippines - – Isang lalaki ang nasawi habang malubhang nasugatan ang isa pa nang makuryente sa nahulog na scaffolding habang gumagawa sa isang gusali ng Department of Agriculture (DA) sa Brgy. Dolores, Sto. Domingo ng lalawigang ito, noong Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Rodelio Dumlao Sr., 58-anyos, may-asawa ng Purok Hilltop, Brgy. Poblacion West, Rizal, Nueva Ecija. Sugatan naman si Robert Apalla, 33, may-asawa, tubong Sta. Maria, Ilocos Sur at kasalukuyang nakatira sa Barangay Ricarte, Talavera, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon, bandang alas-8 ng gabi habang abala ang mga biktima sa trabaho nang biglang bumigay at bumagsak sa tubig ang tinutuntungang  scaffolding.

Hindi lingid sa dalawa na may nakasabit na electric live wire sa tinutuntungan nilang scaffolding kaya agad silang nangisay.

Show comments