^

Probinsiya

Killer-rapist ng kasambahay, timbog

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines  â€“ Nadakip na ng mga awtoridad ang isang 33-anyos na binata makaraan ang mahigit sa tatlong taong pagtatago sa kasong panghahalay at pagpatay sa isang kasambahay kamakalawa ng gabi.

Sa kulungan na magpapasko ang suspek na si Johnny Tapel, 33, residente ng Purok 4 Brgy. Alawihao, Daet makaraang maaresto sa pinaglunggaan nito sa  Parañaque City Police. Napag-alaman pa na si Tapel ay nasa talaan ng pulisya bilang No. 4 provincial most wanted person sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa ulat ni P/Supt. Paul Florencio Abay, Daet Chief of Police, nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ro­berto Escaro ng RTC Branch 38 Daet sa kasong rape with homicide at walang piyan­sang inirekomenda dito.

Sa record na nakalap ng PSNgayon, naganap ang karumal-dumal na krimen noong May 17, 2010 ng gabi malapit sa simbahan ng Divine Mercy sa Brgy. Alawihao.

Nabatid na ang biktimang si Ma. Liezel Abuel, 24, residente ng Purok 7 Brgy. Dos, Daet ay dumalo sa isang sayawan at inabangan ng suspek at walang awang kiladkad sa damuhan.  Napilitang hampasin ng dos-por-dos ang biktima na may nakausling pako sa ulo ng manlaban ito sa suspek hanggang sa ito ay mamatay.

Ikinatuwa naman ng kaanak ng biktima ang pagkakahuli sa suspek.

 

vuukle comment

ALAWIHAO

BRGY

CAMARINES NORTE

CITY POLICE

DAET

DAET CHIEF OF POLICE

DIVINE MERCY

JOHNNY TAPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with