Magkalaguyo kalaboso

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng magkalaguyo na naaktuhan makaraang arestuhin ng pulisya sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Leon Rafael, hepe ng Santiago City PNP ang mag-lover na sina Noel Tolentino, 29; at Megelyn Gandez, 25, tubong Bambang, Nueva Vizcaya. Ang dalawa ay inireklamo ng misis ni Tolentino matapos nitong maaktuhan ang magkalaguyo na sinasabing nagsasama sa bahay ng kanyang biyanan sa nasabing barangay.

 

Show comments