10 mangingisdang stranded, nasagip
MANILA, Philippines - Matapos ang 17-oras na palutang-lutang sa karagatan, matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy ang sampung mangiÂngisda na napadpad sa bahagi ng Recto Bank sa West Philippine Sea, Palawan, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ang mga nasagip na sina Jessie Salac, Pedro Cabago, Reynald Cabago, Melvin Aquino, Jherson Recacurva, Benjie Bagao, Arislit Rayel Sy, Erlan Sagang, Danilo Layan, at si Jayven Secor na pawang sakay ng M/B 3 Sisters 98.
Ayon kay 1st Lt. Cherryl Tindog, hepe ng Public Affairs ng AFP Western Command, bandang alas-9 ng umaga kahapon nang masagip ng mga nagpaÂpatrulyang tauhan ng Philippine Navy Patrol Ship 35 ang mga mangingisda na nagkaÂaberya ang kanilang bangka sa bahagi ng Recto Bank (Reed Bank)
Nabatid na ilang pagtatangka ang isinagawa ng WESCOM para mailigtas ang mga biktima nitong nakalipas na araw subalit sa laki ng mga alon kaya nag-air drop na lamang ng pagkain sa mga ito.
Kaagad namang niradÂyuÂhan ng WESCOM ang Camp General Artemio Ricarte Station Hospital upang isaÂilalim sa medical examination ang mangiÂngisda na ilang araw stranded sa karagatan.
- Latest