MANILA, Philippines - Pinagbabaril at pinagtataga at napatay ang limang mangingisda makaraang atakihin ang fishing boat sa karagatang sakop ng Siasi, Sulu noong Biyernes ng hapon. Sinasabing na-hijack ng mga pirata ang barkong LBGMA-68 na sinasakyan ng mga biktimang sina Chiefmate Joel Salig, Van Gala, Walter Cutad, asst. engineer; Pedrito Bucoy, chief cook; at si Leonardo Decalzo Jr., chief engineer. Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang ilang pahinante ng fishing boat na sinasabing tumalon nang maganap ang insidente.