Militar vs NPA; 1 sundalo, 3 sugatan

NORTH COTABATO, Philippines - — Muling nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at puwersa ng New People’s Army sa panibagong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay New Baguio, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon. Ayon kay 602nd Brigade Phil. Army spokesman Captain Tony Bulao, habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang tropa ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ay sumiklab ang sagupaan laban sa  grupo ng Front Committee 72 ng NPA. Tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig kung saan nagsilikas naman ang libu-libong residente sa takot na maipit sa kaguluhan. Umatras ang NPA nang duma­ting ang karagdagang puwersa ng mga sundalo at Cafgu. Gayon pa man, isang sundalo ng 57th IB at tatlong rebelde ang malubhang nasugatan sa bakbakan habang patuloy naman ang pagtugis sa grupo ng NPA.

Show comments