Mister inaway ni misis, nagbigti

CAVITE, Philippines - — Kusang nagpasalubong kay kamatayan  ang 21-anyos na mister na sinasabing inaway ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Batong Dalig, bayan ng Kawit, Cavite. Bandang alas-10 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Loreto Mislang na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Ayon kay PO2 Gabriel Gonzales, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang asawang si Rowena kung saan umalis ito para humupa ang galit. Gayon pa man, pagbalik ng babae ay bumulaga ang nakabiting asawa.

Show comments