3-anyos napatay sa palo
BULACAN , Philippines – Napatay ang 3-anyos na nene matapos itong pagpapaluin ng kanyang 15-anyos na tiyuhin sa Barangay San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Balagtas Doctor’s Hospital ang biktimang si Jaira Macapagal na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan partikular sa ulo. Kasalukuyan namang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Jerry, tiyuhin ng biktima at kapwa nakatira sa Ma. Corazon Subdivision sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Sheena Tandingan, nadatnan ng ama ang kanyang anak na si Jaira na may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya isinugod ito sa ospital. Sa pagsusuri ng mga doctor, lumilitaw na may palatandaang pinagpapalo ang biktima kung saan naunang sinabi ng suspek na nahulog sa bintana.
- Latest