Trader tumba sa ambush

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na namang negosyante ang napaslang makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Purok 2, Barangay Sabangan sa bayan ng Caramoran, Catanduanes. Sa police report, lumilitaw na pauwi na ang biktimang si Julio Publico nang harangin at ratratin sa harapan ng bahay ng pamilya Samonte. Pinaniniwalaang away negosyo ang isa sa motibo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments