Parolado itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Napatay ang 47-anyos na parolado matapos itong ratratin habang namamasada ng traysikel sa Barangay Barong, bayan ng Dingras, Ilocos Norte kamakalawa. Pauwi na  ang biktimang si Benny Dishuso matapos maghatid ng pasahero nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki. Nabatid na nakalaya ang biktima noong 2012 kung saan pinagdusahan nito ang kasong murder sa loob ng 15-taon pagkabilanggo. Sinisilip ng pulisya ang anggulong paghihiganti laban sa biktima.

Show comments