Anak grinipuhan ng ama

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Nasa bingit ng kamatayan ang 29-anyos na trader matapos saksakin ng sariling ama na tinangka niyang awatin sa matinding pakikipagsagutan nito sa kanyang ina kamakalawa sa Metroville Subdivision, Santiago City, Isabela kamakalawa. Tinamaan sa kaliwang kilikili at agaw-buhay na  isinugod sa Southern Isabela General Hospital ang biktimang si Reymund Madriago habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Dy Madriago, 63, kapwa nakatira sa Barangay Centro East sa nasabing lungsod. Nabatid na namagitan ang biktima sa komprontasyon ng kanyang mga magulang kung saan nagkasuntukan pa ang mag-ama hanggang sa  masaksak ng suspek ang kanyang anak.

Show comments