5 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines - Limang  kawani ng bangko ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa barandilya ng  tulay sa kahabaan ng highway sa  Barangay Motorpool, bayan ng Tubod, Surigao del Norte kamakalawa ng umaga. Isinugod sa Caraga Regional Hospital ang mga sugatang sina Renato Sual, 36, driver ng Toyota Hi Lux (KGE -639) ng Cantilan Bank Inc.; Allan Piedad, 32; Archie Miranda, 26; Delfo Galinato, 32; at si Ruel Castante, 32. Nabatid na patungong Butuan City ang mga biktima mula sa Surigao City nang sumulpot sa pakurbadang highway ang rumaragasang sasakyan sa kaliwang lane. Bunga nito ay nagmaniobra ang driver ng sasakyan pero sa kamalasan ay sumalpok ito sa barandilya ng tulay na malubhang ikinasugat ng limang kawani ng bangko.

 

Show comments