Pulis ginulpi ng kabaro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  â€“ Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan ang bagitong pulis matapos nitong gulpihin ang kanyang kabarong pulis dahil sa pagkapikon kamakalawa ng gabi sa Capitol Park Compound, Barangay Burabod sa Sorsogon City, Sorsogon.

Si PO1 Rolly Dolentas, 35, ng Barangay Capuy at nakatalaga sa Sorsogon PNP ay nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

Nakilala naman ang suspek na si PO3 Joel Enci­nares ng Guibat, Sorsogon at na­katalaga sa SPPSC 2nd Company sa bayan ng Bulan.

Kapwa isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Base sa police report, lango sa alak ang suspek nang makipagtalo sa biktima kaugnay sa paniningil ng driver ng traysikel hanggang sa magkapikunan na humantong sa nasabing insidente.

 

Show comments