CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Tinambangan at napatay ang 54-anyos na dating barangay chairman sa isa na namang karahasang naganap sa panulukan ng T. Conde at InoÂcencio Street sa Barangay Centro, bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Nestor Ursal ng Barangay Naocondiot sa nabanggit na bayan. Sa ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktimang papauwi nang ratratin ng mga di-kilalang lalaki pagsapit sa nasabing lugar. Napuruhan sa ulo ang biktima kung saan narekober ng pulisya ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.