Hayskul stude ni-rape slay ng adik

NUEVA ECIJA, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na dalagita makaraang gahasain ay pinagsasaksak pa ng di-kilalang lalaki sa pampublikong sementeryo sa Purok 2, Barangay San Juan, bayan ng Licab, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi.

Siyam na saksak sa katawan saka binagsakan pa ng bloke ng semento sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Valentina Ferrer y Marquez, second year high school student sa nasabing lugar.

Napag-alamang hindi nakauwi ang biktima mula sa eskuwelahan kaya hi­nanap ng kanyang ama na si Walter kinabukasan

Bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa pagitan ng dalawang magkatabing nitso.

Positibong ginahasa ang biktima matapos suriin sa PNP crime lab kung saan nagtamo ng dalawang saksak  sa likurang bahagi ng katawan at pito sa dibdib.

Narekober sa crime scene ang patalim at flashlight na ginamit sa krimen.

Show comments