15-anyos pinatay ng adik

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na binatilyo matapos itong pagsasaksakin ng isang lango sa droga saka inabandona sa bahagi ng Purok 2, Barangay Lumbocan, Butuan City sa Agusan del Norte kamakalawa. Nagsisimula ng maagnas nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Jason Evander Macapili na positibong kinilala ng ina nitong si Esther Macapili. Sa pahayag ni Esther sa pulisya, ang anak niya ay umalis sa kanilang bahay noong Miyerkules (Nob. 6) at  hindi na nakabalik pa. Huling  nakitang buhay ang biktima na kasama ang suspek na si Ariel Panganoron malapit sa Industrial Timber Corporation kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima. Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na sinasabing nagtatago sa  Davao.

Show comments