^

Probinsiya

Preso pumuga

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nagawang maka­takas ng  isang preso sa Imus City Jail matapos na tutukan ng baril ng live in partner nito na bumisita dito ang jail officer sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Palico IV, Imus City, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nakatakas na preso na si Tyrone Bianco de la Cruz , nasa hustong gulang ng Medicion 1, Imus City, Cavite. Kasamang tumakas nito ang kaniyang live in partner na si Jeanne Loise Bitoy, 27 na siyang nanutok ng baril sa jail guard.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alan Reyes may hawak ng kaso alas-2:20 ng maganap ang insidente, nakakulong ang nasabing preso sa kasong carnapping at dinalaw ito ng kanyang ka live in partner. Ilang saglit pa matapos makapasok sa piitan ay bigla itong naglabas ng cal. 38 revolver at tinutukan sina JO1 Jayson Abion at Senior Jail Officer 2 Rowena Gosico saka mabilis na tumakas.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang dalawang duty jail officer kung bakit nakapasok ang mga dalaw ng hindi nakakapkapan. 

 

vuukle comment

ALAN REYES

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAVITE

IMUS CITY

IMUS CITY JAIL

JAYSON ABION

JEANNE LOISE BITOY

ROWENA GOSICO

SENIOR JAIL OFFICER

TYRONE BIANCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with